135 research outputs found

    Ang Espasyo sa Pag-iral ng Tao

    Get PDF
    Ang papel na ito ay isang pilosopikong pagsusuri sa konsepto ng espasyo sa Pilipinong pananaw. Ang konsepto ng espasyo sa Pilipinong pananaw ay nagsisilbing dahilan para masabi nating tayo ay nagmamahal sa karunungang nagmula at pinagyaman ng kamalayang Pilipino. Ang konsepto ng espasyo rin ang nagpapatibay sa katwiran na naglalantad sa pangangailangan nang agarang pananaliksik ng karunungang nakaligtaan sa kanluran. Kung ang mga Hapon ay matagumpay na pinagmunihan ang 'espasyo' gamit ang mga konseptong basho, aidagara, at zettai mu tungo sa pagbibigay diin sa pagkamakabayan, ang ‘espasyo’ ay magsisilbing gabay sa mga Pilipino na lumingon sa kanilang pinanggalingan upang bigyan ng linaw ang layunin sa bawat tangkang pagbuo ng masasabing makataong ‘pilosopiya natin’. Tungo sa makataong espasyo sa pag-iral ng tao, nais galugarin ng diskursong ito ang mga sumusunod na paksa: 1] Lugar ay Espasyo; 2] Sa Pagitan ng ‘Ako’ at ng ‘Ikaw’; 3] Espasyo Bilang Bukal ng Kaalaman at pagkatuto; 4] Pagbuo ng Makataong Espasyo at Pagbuwag sa mga Mapang-aping Espasyo; 5] Salaysay ng mga Karanasan Tungo sa paghulma ng Makataong Espasyo; 6] Espasyo ng/para sa mga Peminista?; 7] Sa Pagitan ng Namatay at ng Namatayan; 8] Saan Matatagpuan ang Kapayapaan

    Ugnayang Tsino't Pilipino sa Buhay at Kamatayan: Isang Panimulang Pagbalangkas

    Get PDF
    Nabigyan ng pagpapahalaga ang komprehensibong pagdalumat sa relasyong Tsino at Pilipino sa buhay at kamatayan sa isang aklat na pinamagatang Himlayan, Pantiyon, Kampo Santo, Sementeryo: Exploring Philippine Cemeteries (2016) na pinamamatnugutan ni Dr. Grace Barretto-Tesoro ng Programa sa Araling Arkeolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng isang daan at apatnapu’t dalawang (242) pahina at limang (5) kabanata-- [1] Angels on Earth: Investigating Infant and Children Burials in Manila Cemeteries ni Grace Barreto-Tesoro (pah. 1-39); [2] Angels and Dragons in the Manila Chinese Cemetery nina Donna Mae N. Arriola at Eleanor Marie S. Lim (pah. 41-80); [3] Ang Mamatay ng Dahil sa iyo: Patriots’ Graves at Manila Cemeteries and Neighboring Provinces ni Andrea Malaya M. Ragragio (pah. 81-153); [4] Death, Grief, and Memorial: A Review of the Boy Scouts Tragedy of 1963 nina Kathleen D.C. Tantuico at Omar K. Choa (pah. 155-168); at [5] Colonial Period Cemeteries as Filipino Heritage ni Michelle S. Eusebio (pah. 169-197). Sa limang kabanatang ito, mas higit na binigyan ng pansin at lapatan ng anotasyon ang ikalawa dahil tahasan tumatalakay ang artikulong ito sa mayaman at makakultural na ugnayan ng Pilipinas at Tsina bilang mga Asyanong bansa pagdating sa konseptwalisasyon ng kamatayan

    Desakralisasyon ng “Sakuna” Bilang Disaster sa Karanasang Filipino

    Get PDF
    Ginagamit ng papel na ito ang karanasang Filipino bilang angkla sa pag-aaral kung paanong ang konseptuwalisasyon ng engkuwentro ng tao sa likas na kalamidad ay saksi sa isang pagbabago mula sa “sakuna,” bilang isang panloob na kalagayan ng pagkabalisa, tungo sa “disaster,” bilang isang pagkasira ng mga prosesong panlipunan. Ginagamit ng papel bilang materyang teksto ang panitikang oral mula sa tradisyong premoderno hanggang sa kontemporanyong panitikang nakasulat na nirepresenta ng paglitaw muli ng materyal na paglalarawan ng likas na kalamidad sa mga nobela ni Antonio Abad (La Vida Secreta de Daniel Espeña), Bienvenido Santos (The Volcano), at Liwayway Arceo (Canal de la Reina). Ipangangatwiran ng papel na ito kung papaanong ang pagbabagong ito mula “sakuna” tungong “disaster” ay mababasa sa tagpuan ng isang lumalalang pagsasapare-pareho at debitalisasyon ng lipunan na nagdudulot ng desakralisasyon ng engkuwentro ng tao sa mga likas na kalamidad. Gagamitin ng papel bilang balangkas ang teorya ng relihiyon at karanasang panloob ni Georges Bataille kung saan pinag-iiba niya ang banal at dahay, at ipinanunukala ang pagbalik sa erotisismo bilang pagnanasa para sa transgresibong pagbabago sa gitna ng konsepto ng “sakuna.

    Paglilitis kay Concepcion Santos de Onggoco

    Get PDF

    Ang Pagkukuwento bilang Pagbabalik-Loob: Pagdalumat sa Halaga ng “Awit ng Matandang Marinero” ni Samuel T. Coleridge sa Talambuhay ni Fr. Roque Ferriols, S.J

    Get PDF
    At the beginning of Roque Ferriols’s autobiography, he remembers the night when he and his father read Samuel T. Coleridge’s “Rime of the Ancient Mariner,” and particularly, how his father translated the English verses to Filipino. This essay explores the significance of Coleridge’s long poem to Ferriols’s reflection on the purpose and structure of his own autobiographical writing, showing how storytelling is not only a means of atonement towards personal salvation but a process in which reconciliation and re-connection with the community can be achieved. Furthermore, I relate Ferriols’s account of the translation of Coleridge’s poem to the philosopher’s effort at coming to terms with the controversies of the Filipinization movement in the 1970s

    May Tiktik sa Bubong

    Get PDF
    The study examines the motif of ominous bird calls auguring the coming of aswang; from the historical accounts of Antonio Pigafetta and Fr. Jose Castaño; the ethnographic notes of Frank Lynch; and the Panay-Bukidnon epic “Hinilawud.” The comparative reading of these texts configures a critical response to the notion of the community of listeners failing to become credible earwitness as they have misconstrued their own soundscape - a rationalization of the supernatural usually held by etic observers of such communities. The critical analysis follows the dynamics operating in the aswang-bird tandem and the ambiguous role the bird plays in the aswang modus. It traces the identity of the bird figure; from tiktik identified as corocoro; and the corocoro identified as alimokon; and the alimokon being the white-eared brown fruit dove of Western Visayas; to be associated with other bird motifs of identical function. This cacophony of ominous calls; with actual equivalent in local ornithology; serves as warning signal; not only for the coming of the death-dealing aswang; but interestingly so; for a coming storm as well. Thus; recontextualizing the soundscape recipients as earwitnesses sensitive to the forebodings provided within their folkloric sphere; and the local knowledge it entails; as part of both survival and environmental adaptation

    Si Jose Rizal sa Ugnayang Pilipinas-Indonesia: Pag-aaral Ukol sa mga Salik sa Pagtingin ng Lipunang Indones kay Rizal

    Get PDF
    Si Jose Rizal ay inilalarawan bilang may estilong diplomatiko sa pakikipaglaban. Ito ay naging inspirasyon ng mga Indones sa pagpapaunlad ng kanilang diwang makabayan at pagsulong kanilang laban para sa kalayaan. At sa pagtatamo ng Indonesia ng kabansaan, si Rizal ay naging tampok sa kanilang diplomasya at pakikipag-ugnayan sa Pilipinas. Makikita rin sa iba’t ibang aspeto ang naging dulot na inspirasyon ni Rizal sa mga Indones. Ang mga pagtatampok namang ito ay sinikap ding mabigyang resiprokasyon ng mga Pilipino. Ang pagtingin ng mga Indones kay Rizal, batay sa isinagawang pananaliksik, ay kinakitaan ng mga salik partikular ang pagtingin ni Tan Malaka kay Rizal, pagkabatid sa mga salitang Arabiko gayundin sa kaalaman sa pagsasalin. Ang mga salik na nabanggit, gayunpaman, ay inirerekomenda ng pagaaral na ito na magawan pa ng balidasyon sa mga mamamayang Indones partikular ang ukol sa tuwirang kinalaman, kalawakan ng kamalayan, at/o interpretasyon ng kanilang kapwa Indonesia kay Rizal at/o kanyang mga akda

    E. San Juan, Jr. at ang Diskursong Kulturang Popular

    Get PDF
    While E. San Juan, Jr. admits that he has done little scholarship on popular culture, my contention is that his body of works—especially in the areas of cultural revolution, Third World literature, and diaspora—provides a substantial contribution and intervention in Philippine cultural studies and popular culture studies. His writings on these typify the critical resolve in the cultural turns as experienced in the rise of cultural studies. In particular, it is useful to the analysis of popular culture, representing a framework that has integrity, even in the mapping of the contemporary popularity of social media platforms. This personal essay analyzes the various stages in the rise and development of cultural studies, including the mediations of San Juan in his related critiques, including the place and placement of cultural revolution. The field of popular culture studies owes San Juan a huge gratitude with his early appreciation and understanding that culture is political, and that the political’s call is for national social transformation

    Mga Pananaw sa Kosmos at Realidad: ang pilosopiyang ay bawat isa

    Get PDF
    Ang Diyos ay hindi naglalaro ng dado", inulit ni Einstein mula sa taas ng kanyang determinismo, ngunit sa katunayan ang kosmos ay naghahagis ng mga buto nito nang sadyang mapagpasya: ang mga dado nito ay laruin. Hindi sa pag-iisip na tayo ay lumikha ng mga mundo. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mundo natututo tayong mag-isip. Ang Cosmovision ay isang termino na dapat ay nangangahulugang isang hanay ng mga pundasyon kung saan lumalabas ang isang sistematikong pag-unawa sa Uniberso, ang mga bahagi nito bilang buhay, ang mundong ating ginagalawan, kalikasan, mga phenomena ng tao, at ang kanilang mga relasyon. Ito ay, samakatuwid, isang larangan ng analytical na pilosopiya na pinapakain ng mga agham, na ang layunin ay ang pinagsama-samang at epistemologically sustainable na kaalaman tungkol sa lahat ng kung ano tayo at nilalaman, na nakapaligid sa atin, at nauugnay sa atin sa anumang paraan. Ito ay isang bagay na kasingtanda ng pag-iisip ng tao, at, bilang karagdagan sa paggamit ng mga elemento ng siyentipikong kosmolohiya, sinasaklaw nito ang lahat ng bagay sa pilosopiya at agham na tumutukoy sa uniberso at buhay. Ang cosmovision ay hindi isang set ng mga ideya, hypotheses, at assumptions kundi isang sistemang batay sa obserbasyon, pagsusuri, ebidensya, at pagpapakita. Walang cosmovision na naglalayong tukuyin, itatag, o imungkahi ngunit para lamang maunawaan, suriin, at bigyang-kahulugan. Bawat isa sa atin ay nagtatayo at naghahatid ng kanyang kosmobisyon sa buong buhay, nang hindi nagtatatag ng mga anyo, bilang isang background para sa ating pag-iisip at pag-uugali. Sa lingguwistika, ang terminong "cosmovision" ay magmumula sa Aleman, katumbas ng konsepto ng "Weltanschauung," na ginamit ng ilang mga pilosopo. Gayunpaman, ang relasyong pangwika na ito ay hindi naaangkop dahil sumasalungat ito sa aming iminumungkahi bilang isang cosmovision. Ang salitang Aleman na ito ay tumutukoy sa isang pre-logical o proto- experimental na pananaw ng realidad, na may intuitive na konteksto at malayo sa kritikal na kaalaman na wala pa rin sa oras ng pagbabalangkas nito. Walang alinlangan, ang mga cosmovision, sa diwa kung saan natin nauunawaan ang mga ito, ay nagtataglay at gumagamit ng mga proto-experimental o pre-logical na elementong ito na kinabibilangan ng kasaysayan, ang sama-samang walang malay, at lahat ng mga archetype na dala natin. Gayunpaman, sa konseptong inilalapat natin dito, ang cosmovision ay higit na lumalampas sa nilalamang ito, una sa pamamagitan ng patuloy na pagsusumite nito upang ipakita ang kritikal na pag-iisip, at sa wakas sa pamamagitan ng paggawa ng analitikong karanasan (at hindi ang kaisipan mismo o intuwisyon) ang aktwal nitong uniberso. Inilantad ni AntĂłnio Lopes ang lawak ng nilalamang ito: "Ang mga cosmovision ay hindi produkto ng pag-iisip. Hindi sila nagmumula sa simpleng pagnanais na malaman. Ang pagkaunawa sa katotohanan ay isang mahalagang sandali sa pagsasaayos nito, ngunit, gayunpaman, ito ay isa lamang. Ito ay nagmumula sa mahahalagang pag-uugali, mula sa karanasan ng pagsusuri sa buhay, at mula sa istruktura ng ating saykiko na kabuuan Ang pagtaas ng buhay sa kamalayan sa kaalaman sa realidad, sa pagpapahalaga, at sa kusang katotohanan ay ang mabagal at mahirap na gawain. na ginawa ng sangkatauhan sa pagbuo ng mga konsepto ng buhay (W. Dilthey, 1992 [1911]: 120). Sa gawaing ito, hinahangad nating balangkasin ang isang kosmobisyon batay sa mga realidad na inaalok natin ngayon hindi nagmumungkahi, sa anumang oras, na gumawa ng agham; o magteorya ng pilosopiya, ngunit lagi nating hahanapin na suportahan sila o, hindi bababa sa, protektahan nila mula sa mga pang-unawang distorsyon na karaniwan nating dala
    • 

    corecore