Ang pananaliksik ay may layuninng suriin ang nilalaman ng mga piling dokumentaryo ni Kara David at tukuyin ang mga mode ng dokumentaryo na kanyang ginamit bilang midyum ng paghahatid ng mensahe at layunin. Gumamit ng corpus-based na diskarte, isang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik, na sumuri sa 40 na piling dokumentaryo ni Kara David. Ang mga dokumentaryo ay sinuri gamit ang anim na mode ng dokumentaryo ni Bill Nichols na expository, participatory, reflexive, observational, poetic, at performative at ang pitong language functions ni Halliday na instrumental, regulatory, interactional, personal, heuristic, imaginative, at representational. Ang mga resulta ay nagpakita ng paggamit ni Kara David ng iba't-ibang mode at language functions, na nagpapakita ng kanyang malawak na kasanayan sa pagkukwento at ang kanyang kakayahang lumikha ng mga dokumentaryo na hindi lamang nagbibigay-impormasyon kundi nag-uudyok din ng damdamin at pagkilos. Ang pag-aaral ay nagtatapos sa mga implikasyon nito sa edukasyon at mga rekomendasyon para sa pananaliksik sa hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay nagpapatunay na ang mga dokumentaryo ni Kara David ay mabisang gumagamit ng ibat ibang documentary modesgaya ng expository, participatory, observational, reflexive, poetic, at performativeupang maipahayag hindi lamang ang katotohanan kundi pati ang masalimuot na karanasan ng mga mamamayan sa lipunan. Kaakibat nito, ang wika ay hindi lamang daluyan ng impormasyon kundi isang makapangyarihang kasangkapan ng komunikasyon na tumutugon sa pitong tungkulin ng wika na inilahad ni Halliday; instrumental, regulatory, interactional, personal, heuristic, imaginative, at informative
Is data on this page outdated, violates copyrights or anything else? Report the problem now and we will take corresponding actions after reviewing your request.