journal article

Komunikatibong Kakayahan sa Filipino ng mga Non- board na Kurso: Isang Mixed- methods na Pag-aaral

Abstract

Gumamit ang pag-aaral ng convergent parallel mixed-method upang suriin ang antas ng komunikatibong kakayahan sa Filipino ng mga mag-aaral sa non-board na kurso. Sa kwantitatibong bahagi, mayroong dalawang daan at limampu’t walo (258) na mga non-board na mag-aaral ang tumugon sa pag-aaral at labing-apat (14) naman ang kwalitatibong bahagi. Ang mga resulta ng pag-aaral ay nagsiwalat na ang antas ng paggamit ng wikang Filipino ay katamtaman lamang kasabay ang pag-usbong ng anim na natuklasang pangunahing tema; hamong kinakaharap ng mga estudyante sa paggamit ng Filipino sa pagpapahayag, paggamit ng mga pamamaraan at estratehiya para sa malinaw na pagpapahayag, kahalagahan ng kasanayan at pagkakaroon ng tiwala sa sarili bilang susi sa epektibong komunikasyon, kahalagahan sa paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pakikipag-ugnayan, ang kahalagahan ng wikang Filipino sa Edukasyon at Komunikasyon at ang papel ng pagbabasa at pagsasanay bilang sangkap sa pagkatuto ng wika. Ang integrasyon ng data sa parehong kwantitatibo at kwalitatibo na mga resulta ng data ay nagpahiwatig na mayroong convergent ng mga natuklasan mula sa parehong uri ng data

Similar works

Full text

thumbnail-image

Neliti

redirect
Last time updated on 21/11/2025

This paper was published in Neliti.

Having an issue?

Is data on this page outdated, violates copyrights or anything else? Report the problem now and we will take corresponding actions after reviewing your request.