journal article

Isang Diskursong Pagsusuri sa Pagpapakita ng mga Lalaki at Babaeng Tauhan sa Teleseryeng Maria Clara at Ibarra

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng representasyon ng kasarian sa teleseryeng Maria Clara at Ibarra. Nilalayon nitong tukuyin ang proseso ng paglalarawan ng kasarian at ang anyo ng pagkiling sa pagitan ng lalaki at babae sa kuwento. Upang maisakatuparan ito, ginamit ang Eight-Factor Model nina Amerian at Esmaeel (2014) upang suriin ang representasyon ng kasarian, at ang Five-Gender Biases Model nina Amini at Birjandi (2012) upang matukoy ang mga anyo ng pagkiling sa kasarian. Isinagawa ang pananaliksik gamit ang kwalitatibong pagsusuri ng nilalaman, kung saan pinag-aralan ang mga karakter batay sa kanilang katangian, papel sa kuwento, at bokasyon. Ang mga lalaking karakter ay kadalasang inilalarawan bilang matapang, makapangyarihan, at may mataas na katayuan sa lipunan, samantalang ang mga babaeng karakter ay madalas ipinapakita bilang mahina, nakadepende, at nangangailangan ng proteksyon. Napansin din na ang mga lalaking tauhan ay mas binibigyang pansin at may mas aktibong papel sa daloy ng naratibo kumpara sa mga babaeng tauhan. Sa kabuuan, ipinakikita ng pag-aaral na ang teleseryeng Maria Clara at Ibarra ay nagtataglay ng tradisyunal na pananaw sa kasarian, na maaaring magpatibay ng gender stereotypes sa mga manonood

Similar works

Full text

thumbnail-image

Neliti

redirect
Last time updated on 21/11/2025

This paper was published in Neliti.

Having an issue?

Is data on this page outdated, violates copyrights or anything else? Report the problem now and we will take corresponding actions after reviewing your request.