Pagtugon sa Sari-saring Panganib: Mga Aral Mula sa mga Krisis Pananalapi

Abstract

Nitong nakaraang dalawang dekada, nakaranas ang mga ekonomiya sa iba’t ibang bahagi ng mundo ng tatlong matitinding krisis pananalapi. Ang mga ito ay nagdulot ng malalawak na pinsala sa mga mamamayan, pamahalaan at mahahalagang sektor ng ekonomiya lalo na sa sektor ng pananalapi. Ang pagkalat ng krisis pananalapi tungo sa isang malawakang krisis ekonomiko ay nakasalalay sa sektor ng pananalapi lalo na ang pagbabangko. Makikita na maraming sa mga sanhi ng krisis ay nakaugat sa di maingat ng pagbabangko. May mga pagkakataon din na ang krisis ay hindi nagmumula sa mga bangko. Ngunit dahil ang mga bangko ay pangunahing sektor sa pagpapatakbo ng ekonomiya nagiging mahalagang daluyan ng krisis ang mga bangko

    Similar works