Ilang taon na ang nakalilipas ngunit kabilang pa rin sa mga napalilibutan ng iba’t ibang alingasngas ang imahen ng bayaning si Lapulapu na inilalarawan bilang isang matapang at malakas na mandirigmang ipinagtanggol ang bansa laban kay Magellan, isang dayuhang sumubok na sakupin ang bahagi ng kapuluan. Ang mga kontrobersiyal na isyung umiiral sa kasalukuyan tungkol sa kaniya ang siyang bumabaluktot sa historikal na imahen at katangian ng bayani sa ngayon kaya’t sa pagsusuring ito ay babalangkasin ng mga mananaliksik ang iba’t ibang kontrobersiya sa imahen ni Lapulapu batay sa mga katutubong paniniwala, sari-saring kwentong tungkol sa nasabing bayani, at mga imaheng popular sa kasalukuyan. Sa kabuoan, sisipatin ng mga mananaliksik kung paano nabuo ang imahen ni Lapulapu at kung paanong patuloy itong nagbabago sa paglipas ng panahon