Nang tikman ni Juan ang saging ni Pedro: Isang eksploratoryong pag-aaral ng unang sekswal na karanasan sa kaparehong kasarian.

Abstract

Ang tesis na ito ay isang eksploratoryong pag-aaral ng unang sekswal na karanasan sa kaparehong kasarian. Nilalayon ng riserts na ito na malaman at maisalarawan ang naging pananaw, damdamin at kilos ng mga kalahok bago, habang, at matapos ang kanilang unang sekswal na karanasan sa kaparehong kasarian. Ang ginawang pananaliksik ay pure research. Naglalayong makapagbigay ng dagdag na kaalaman sa Sikolohiyang Pilipino patungkol sa Sekswalidad. Nakakakuha ng mga kalahok ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong at pinili ang mga kalahok ayon sa itinakdang kategorya ng mga risertser. Ang kalahok ay nasa 18-40 taong gulang, nakatira sa Maynila at nagkaroon ng sekswal na karanasan sa kaparehong kasarian. Gumamit ang mga mananaliksik ng kuwentong pasulat o naratibo bilang pamamaraan ng paglikom ng datos. Sinuri ang bawat karanasan sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga tema, kataga, tauhan at mga pangyayari na napapaloob sa bawat kuwento. Matapos ang pagsusuri ng bawat kaso, inalam ng mga mananaliksik kung mayroong pagkakapareho o pagkakaiba sa mga karanasan sa pamamagitan ng cross case analysis. Karamihan sa mga kalahok ay hindi plinano o di sinasadya ang nangyaring karanasan, bagkus ang mga pangyayari ay dala na lamang ng pagkakataon. Magkaiba ang naging pananaw, damdamin at kilos para sa mga kababaihan kung ihahambing sa mga kalalakihan. Para sa mga kababaihan ang naging karanasan nila ay parte na ng buhay, at hindi nila ikinahihiya ito sapagkat naging ekspreyon ito ng kanilang pagmamahal. Hiyang-hiya at nandidiri naman ang mga kalalakihan sa nangyaring karanasan sa kanilang buhay

    Similar works